Lesson 6 of 6
In Progress

Katapusan

Transcript:

Congratulations sa pagtapos ng kursong Family Preparedness Planning!

Balikan natin ang ating mga natutunan.

Ang hazard ay isang proseso, phenomenon, o human activity na maaaring magdulot ng pagkawala ng buhay, pinsala sa katawan o iba pang masamang epekto sa kalusugan, pinsala sa mga ari-arian, social at economic disruption, o pagkasira ng kapaligiran.

Ang disaster naman ay isang malubhang disruption sa karaniwang pagtakbo ng isang komunidad o ng lipunan na nagdudulot ng malawakang pagkawala o masamang epekto sa mga materyal na kagamitan, ekonomiya, o kapaligiran. Ito ay nagiging disaster lamang kapag hindi kaya ng apektadong komunidad na bumangon mag-isa gamit ang kanilang sariling mga resources.

Ang risk naman ay ang probability na negatibong kang maaapektuhan dahil sa natural o human-induced hazards.

Importante na malaman mo kung ano-ano ang mga hazards at disasters na maaaring makapinsala sa iyong tahanan o lugar ng trabaho para mapaghandaan mo ng maayos ang mga risks na kaakibat ng mga ito.

Maliban sa pag-alam ng mga hazards at disasters na maaaring makaapekto sa atin, napakahalaga rin na tayo ay mayroong Family Resiliency Plan. Ito ay para kung dumating man ang kahit anong sakuna, masisigurado natin na tayo at ang ating pamilya ay mabubuhay, ligtas, at kayang bumangon at bumalik sa normal.

Ito ang mga step sa paghahanda ng Family Resiliency Plan.

Step 1. Isulat ang disaster scenario na pinaghahandaan, pangalan ng gumawa ng plano, at kung kailan ito isinulat. Alamin kung ano ang galaw at schedule ng ating pamilya sa pang araw-araw.

Step 2. Buuin at i-check ang iyong contact list o directory.

Step 3. Isipin at alamin ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng disaster.

Step 4. Bumuo ng Resilience Kits.

Step 5. Pag-isipan kung saan pupunta kung mangyari ang disaster.

Step 6. Praktisin ang resilience plan na nagawa.

Sa pagtapos ng kursong ito, sana ay natutunan mo kung bakit mahalaga na handa ang ating pamilya sa pagdating ng anumang sakuna. Sana nadagdagan ang iyong kaalaman pagdating sa disaster preparedness at magamit mo ito para mapanatiling ligtas ang iyong pamilya.