Panimula

Marami nang pinagdaanang mga sakuna ang mga Pilipino at masasabi na rin natin na sanay na tayo kapag may dumarating na bagyo. Pero, paano ‘pag ang sakuna ay biglaan at ‘di inaasahan? Tulad ng lindol, sunog, o kaya pandemya tulad ng COVID-19. Masasabi mo pa rin ba na ikaw at ang iyong pamilya ay handa?
Kung hindi pa, makakatulong ang kurso na ito para maging handa ang iyong pamilya sa mga sumusunod na sakuna:

Learning Objectives
Ang kursong ito ay ginawa para matulungan ang mga Pilipino na maging handa bago, habang, at pagkatapos ng kahit anong sakuna. Pagkatapos ng kursong ito, inaasahan na ikaw ay may kaalaman sa mga sumusunod:
- Ang ibig sabihin at pinagkaiba ng disaster, risk, at hazard
- Pag-alam sa mga risks at hazards na maaaring sumalanta sa iyong tahanan o lugar ng trabaho
- Kahalagahan ng pagkakaroon ng Family Resiliency Plan
- Paggawa ng Family Resiliency Plan para sa iba’t-ibang uri ng bantang panganib o insidente
Learning Journey
Ang kursong ito ay self-paced eLearning na nangangahulugan na maaari mo itong aralin depende sa iyong oras o schedule
Ang kursong ito ay may limang lessons. At sa bawat lesson maaari kang matuto sa pamamagitan ng iba’t-ibang eLearning formats tulad ng video, simulation, articles, atbp. Ang mga sumusunod ay mga lessons sa kursong ito:

Requirements
Ang Family Preparedness Planning ay isang certificate course. Para makuha mo ang iyong certificate dapat mong magawa ang mga sumusunod:
- Matapos ang lahat ng lessons sa kursong ito
- Sumali sa mga forum/s
- Sagutan lahat ng mga pagsusulit at evaluation
Questions
Kung ikaw ay may tanong tungkol sa kursong ito, ‘wag mahiyang magtanong sa ating course facilitators. Maari kang magtanong sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Frequently Asked Questions Forum: https://iadapt.pdrf.org/forums/discussion/frequently-asked-questions