Ang Checklist ay maaaring sagutan ng may-ari or tagapangasiwa ng MSME. Ngunit, para ito ay may pakikilahok, ang Checklist na ito ay maaari ring sagutan bilang isang pangkat na kinabibilangan ng may-ari ng MSME, tagapangasiwa, at mga tauhan o empleyado. Ang Checklist na ito ay may 63 na aytem. Sinusukat nito ang antas ng kahandaan ng kumpanya/ organisasyong makabuo ng sapat na plan sa pagpapatuloy ng negosyo. Titiyakin ng instrumento sa pagtatasang ito kung mayroon o walang pamamaraan, protocol, at pinagkukunang-yaman. Ang mga aytem na namarkahang mayroon (oo) ay makatatanggap ng 2 puntos, habang ang mga aytem na namarkahang wala (hindi) ay hindi bibigyan ng puntos. Pagkatapos sagutan, sumahin ang mga nakuhang puntos.
Basahin ang bawat aytem at markahan ng ✔ ang angkop na kahong tumutukoy kung mayroon (oo) o walang (hindi) pamamaraan, protokol, at mapagkukunang-yaman. Dagdag pa rito, ilagay ang puntos ng bawat aytem sa huling hanay (tignan ang sumusunod na halimbawa). Pagkatapos, sumahin ang mga puntos. Ang talaan ng paggrado at talaan ng paliwanag ay nakalahad sa dulo ng checklist para iyong mas maintindihan ang iyong grado.
Elements | Points |
---|