Maligayang pagdating sa
Instrumento sa Pag-aaral ng mga Kinakaharap na Panganib at Pangangailangang Pangsakuna!
Tungkol sa Checklist
Ang Checklist sa Pag-aaral o Pagtatasa ng Kinakaharap na mga Panganib at Pangangailangang Pangsakuna (Disaster Risks and Needs Assessment) ay dinisenyo para maging instrumento na magagamit ng mga MSME upang masukat ang kanilang kahinaan sa mga panganib, at matiyak ang kanilang mga pangangailangan sa tuntunin ng kaalaman, kakayahan, at mga bagay na mapakikinabangan para maiwasan, mabawasan, at mapagaan ang epekto ng mga sakuna sa kanilang mga negosyo.
Ang pagbabalangkas sa mga nilalaman ng checklist ay hinggil sa agham ayon sa resulta ng pananaliksik na isinagawa ng Social Development Research Center ng De La Salle University-Manila. Ang nasabing pananaliksik ay kinasangkutan ng mga panayam sa mga piling MSME mula Luzon, Visayas, at Mindanao na nakaranas ng mga sakuna at pangyayaring di inaasahan sa nakaraan. Nagkaroon din ng mga panayam sa mga pangunahing kinatawan ng lokal na disaster risk reduction management officers at Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry). Nagsagawa rin ng dalawang validation workshops para makakuha ng katugunan at mungkahi para mas paghusayan ang nasabing instrumento. Dagdag pa rito, ang checklist ay ipinaikot sa mga partner ng PDRF para makakalap ng mga komento.
Ang instrumento ay may apat na bahagi: 1) Pag-aaral o Pagtatasa ng Kahinaan (Vulnerability Assessment) Batay sa Lokasyon; 2) Pagtingin sa Posibilidad ng mga Kinakaharap na Panganib (Perceived Likelihood of Disaster Risks); 3) Imbentaryo ng Pagtatasa ng Pangangailangan (needs assessment) bago ang Sakuna; at 4) Pagtingin sa Antas ng Posibilidad ng mga Epekto (Perceived Level of Likelihood of Impacts). Ang mga resulta batay sa mga ito ay maaaring magamit habang gumagawa ang mga MSME ng kanilang mga plano sa paghahanda sa sakuna at plano sa pagpapatuloy ng negosyo. Para sa mas detalyadong gabay sa pagbubuo ng plano sa pagpapatuloy ng negosyo, mangyaring sumangguni sa MSME Guide to Disaster Resilience na binuo ng ng PDRF kasama ang MSME Resilience Core Group noong 2020. Maaaring ito makuha mula sa https://iadapt.pdrf.org/resources/msme-guideto-disaster-resilience/
This tool has 4 components
1. Kahinaan Batay sa Lokasyon
Ang bahaging ito ay binubuo ng 18 aytem. Ang bawat aytem na may sagot na “oo” ay nangangahulugang ang MSME ay dapat na bumuo ng mga kontrol sa kinakaharap na panganib (risk controls) para makatugon sa partikular na sakuna na maaaring magmula sa kakaibang katangian ng lokasyon ng negosyo. Para sa layunin ng pagmamarka, ang bawat sagot na “oo” ay may katumbas na 1 puntos. Ang mga sagot naman na “hindi” at “hindi ko alam” ay walang katumbas na puntos.
2. Pagtingin sa Posibilidad ng mga Kinakaharap na Panganib
Ang bahaging ito ay naglalaman ng 12 aytem. Sinusukat nito ang pagtingin sa posibilidad na ang iba’t ibang sakuna ay maaaring mangyari sa mga lugar na may potensyal na makaapekto sa mga MSME. Para sa bahaging ito, ang mga sumasagot ay hinihiling na ipahiwatig ang kanilang pagtingin sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga sumusunod: maaaring-maaaring mangyari, maaaring mangyari, hindi maaaring mangyari, malayong mangyari.
3. Imbentaryo ng Pagtatasa ng Pangangailangan bago ang Sakuna
Ang bahaging ito ay naglalaman ng 10 saklaw. Layunin ng imbentaryong ito ang hayaan ang mga MSME na pag-isipan ang mga aspetong kailangang pagbutihan gayundin ang mga pagbabagong kailangang gawin para masigurong sila ay mas handa sa mga epekto ng sakuna sa kanilang mga negosyo. Ang bawat “oo” ay bibigyan ng 1 puntos, habang ang mga sagot na “hindi” ay hindi mabibigyan ng puntos. Ang imbentaryong ito ay magsisilbing listahan o talaan ng mga dapat gawin at paghandaan para malimitahan ang mga panganib at kahinaan ng mga MSME. Ang aytem na may sagot na “hindi” ay nangangahulugang ito ay dapat ayusin ng mga MSME. Ang mga resulta sa instrumentong ito ay makatutulong na bigyang-alam ang mga plano sa kahandaan sa sakuna (disaster preparedness plan) ng mga MSME. Paalala na kung ikaw o kayo ay may higit sa isang MSME, gumamit ng dalawang magkahiwalay na form o checklist.
4. Pagtingin sa Antas ng Posibilidad ng mga Epekto
Mayroong 49 aytem sa bahaging ito. Layunin nitong malaman ang pagtingin ng mga MSME tungkol sa posibilidad ng mga epekto ng sakuna. Ang mga pagpipilian sa pagsagot sa bahaging ito ay binubuo ng “maaaring-maaaring mangyari”, “maaaring mangyari”, “hindi maaaring mangyari”, at “malayong mangyari”.